LOVE Tambayan

Natalie 4





“Good morning miss natalie, pinapasabi nga pala ni mr. baronman na magtuloy ka sa kanyang opisina pagkadating mo.” Sabi ng sekretarya ni mr.baronman. pagakasabi nito sa dalaga ay hindi na nag atubili na pumunta ng opisina si Natalie, kumatok muna ito bilang paalam na sya ay papasok, pagkarinig ng boses sa kabilang pinto ay pumasok na si Natalie at bumati ng buong galang sa matanda. “oh, natalie good morning din,halika maupo ka dito.” Sabi ni mr.baronman sabay alok ng upuan kay Natalie. Gusto mo daw po ako makausap mr. baronman”nakangiting tanong ni Natalie sa matanda. “yah, sya nga pala Natalie antayin lang natin ang makakasama mo sa trabaho.”sabi ng matanda,maya maya lamang ay bigla may kumatok sa pintuan at pinatuloy ito ng matanda. “good morning sir, sabi ni Hẻny pinapatawag nyo daw ako.”sabi ng binata sa matanda na hindi man lang lumilingon sa kinaroroonan ni Natalie. “oo, Henry, I want you to meet miss. Natalie, sya iyong inasign ko bilang papalit sa dati mong sekretarya.” Sabay turo nito kay Natalie. Sa pagkasabing iyon ni mr.baronman ay saka lamang hinarap ng binata ang nasabing dalaga. “hello sir henry,” nangingiming bati ni Natalie sa binatang nasa harapan nya, hindi dahil natatakot sya dito kundi nahihiya, dahil kung makatitig ang binata mula ulo hanggang paa ay para sya nitong lalamunin ng buong buo. “hi,how are you, nice too meet you” sabi ng binata kay Natalie sabay shake hands nito. Pagkatapos magkakilala ng dalawa ay nagpaalam na si henry kay mr.baronman na babalik na ito ng kanyang opisina, samantalang si Natalie ay pinaiwan muna sandali ni mr. baronman upang makausap. Pagkalabas ng opisina ni henry ay nahagip agad niya ang usap usapan ng ibang empleyado tungkol sa bagong sekretarya nito. Kaya daw nag karon agad ito ng trabaho ay may namamagitan daw sa dalawa kay mr, baronman at Natalie, naiisip tuloy nito kaya siguro pinaiwan pa ito ng matanda sa kanyang opisina imbis na kasabay na niya itong pupunta sa kanyang opisina. Di nagtagal ay nagpunta na rin si Natalie sa opisina ni henry. Hinanap agad nito ang kanyang lamesa, ito ay nasa gawing kanan ni henry. Pagkapasok nito sa opisina na binata ay humanga agad ito dahil napakalinis at bango ng opisina nito, ni wala kang maamoy ng usok ng sigarilyo, instead pabango ang maamoy mo. Sa gawing kaliwa naman ang mini kitchen nito sa tabi ay ang comfort room. Nagtuloy na ang dalaga sa kanyang lamesa at isa isang inayos ang kanyang mga gamit. “so magstart kana ngayon and habang di mo pa kabisado ang mga gagawin ay tutulungan ka muna ni Leticia, and nakausap ko na rin si mr. baronman tungkol sa oras ng pagpasok mo dito sa opisina”seryosong sabi ng binata sa dalaga.
“hmmmm kamusta naman kaya ang kaibigan ko sa trabaho nya?”sabi ni jho habang niyakap si Natalie na kadarating lamang galing sa opisina.”hayyy nakakapagod at sobrang pressure,hmmm hindi sa trabaho kundi sa boss ko napaka sungit.”sabi ni Natalie habang binababa ang gamit nito sa lamesa. Samantala si Josephine naman ay naghanda ng kanilang hapunan. “wow, ang bango naman nyan jho.”sabay lapit ni Natalie sa lamesa at sabay amoy sa pagkain na inihain ni Josephine. “heheheheh! Bango ba syempre nagluto ako ng special para sa iyo para pag sweldo mo ititreat mo ako heheh!”pabirong saad nito.”halika kumain na tayo at maaga tayo matulog pasok nanaman bukas sa school,”saad nito. Masayang naghapunan ang dalawa at sarap na sarap si Natalie sa inihain na pagkain ng kaibigan.pagkatpos kumain ay nagshower na si nataie upang maagang matulog.
Sa school habang nag lalakad ang magkaibigan papasok sa gate ay may di inaasahang bisita si Josephine, lalong di nito inaasahan dahil kausap pa nito sina colline at ang mga kaibigan nito. Nang Makita sila nito ay lumapit na ito sa kanila. “hello jho, hi Natalie, kamusta, bumisita lang ako rito sa eskwelahan niyo.”sabi ni roel .”ito ok lang naman kami wow ha, nag abala ka pa na pumunta dito,pasensya ka na ha unang punta mo dito mga bruha agad ang nakausap mo,”sabi ni jho kay roel sabay tingin sa kinaroroonan nila colline.”hah!anung bruha?”ka inosentehang sagot ng binata.”nope just kidding hehehe,halika sa canteen”aya nito sa binata sabay kawit nito ng kamay sa braso ng binata upang inggitin ang mga matang nakatitig sa kanila bagay na nagustuhan naman ni roel,samantala si Natalie ay napapailing nalang sa kakulitan ng kaibigan. Nagawa nito magflirt sa lalaki haayyy Josephine….nagtungo ang mga ito sa canteen doon ay nag almusal at nag kwentuhan na rin, makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell signal na umpisa na ng kanilang klase. Nagpaalam na rin ang binata sa magkaibigan at gayun din ang mga ito sa binata.
“natalie pinabibigay nga pala ni sir henry.”sabi ni Leticia na nagtatrabaho din sa hotel na iyon.at sabay abot nito ng mga papers kay natalie.”ah okay thank you letecia saan nga pala si sir henry.”tanong nito sa kay Leticia. Si Leticia ang pansamantalang nag tuturo kay natalie habang bago palang ito sa opisina. Siya ang nakatalagang magtrain kay natalie ng isang lingo.”naku! andito iyon kanina dumating kasi iyong girlfriend niya eh nag aya mag lunch.”paliwanag nito sa dalaga. “ah ganun ba,ok so let start our lesson.” Sabi ni natalie habang binubukasan ang mga folders na iniabot sakanya kanina. Tinuro ni Leticia ang mga dapat malaman ni natalie bilang isang sekretarya, pati ang mga contacts person na dapat alam din ni natalie. Madali naman natutunan ng dalaga ang mga  tinuro sa kanya ni Leticia. Nag seself study rin kasi sya habang wala syang ginagawa. Maya maya ay nag paalam muna si Leticia na pupunta sa kanyang desk upang tapusin ang ibang reports na pinapagawa sa kanya ni mr. baronman. Naiwan mag isa si natalie sa opisina ng bumalik na si henry galing sa lunch date nito.”good afternoon sir”magalang na bati ni natalie sabay tayo nito.”good afternoon din”matipid na tugon ng binata sa dalaga. Makalipas ang 3 oras ay natapos din ni natalie ang mga dapat nyang gawin para sa kanya madali lang naman kung willing kang tapusin ang bagay na gusto mong gawin. “natalie paki set mo ako ng appointment kay mr.lucas, tomorrow afternoon ok.”sabi ng binata kay natalie. “yes sir” sagot nang dalaga at hinanap agad nito ang directory upang kontakin si mr. lucas. “sir, sabi ni mr.lucas ay magkita daw kayo sa victory restaurant around 4 and mag aantay nalang daw po sya sa inyo doon and sir thank you daw po.”paliwanag ni natalie sa kanyang boss. “okay job well done miss natalie.”saad ng binata sabay tayo at kuha ng kanyang vest sa swivel chair at aktong aalis na ng opisina, “okay mauna na ako sa iyo may appointment ako sa ako ngayon pakisagot nalang ng mga phone calls ko ok and sabihin mo na may mahalaga akong nilakad ngayon. Bye,,,see you later”paalam ng binata kay  natalie.”okay sir”maikling sagot ni natalie. Naiwan nanaman na mag isa si natalie sa opisina, naisip nya tuloy na lagi nalang umaalis ang amo nya. Habang walang magawa ay nag basa muna si natalie ng kanyang favorite books nang makatanggap ng phone calls. “hello good afternoon”sagot ni natalie. “hello! Andyan ba si henry, si mylene ito gusto ko sya makausap.”sabi sa kabilang linya. “ahhmm ma’am wala po si sir henry dito ngayon umalis po sya dahil may ka apointment po sya ngayong hapon,”paliwanag ni natalie.”ano? apointment nanaman tuwing tatawag ako dyan lagi syang may ka apoinment, miss pwede ba wala ako panahon sa kasinungalingan mo, gusto ko makausap si henry ngayon din, naintindihan mo ba.”mataray na sagot nito.”ma’am wala po talaga si sir henry dito, and ngayon ko lang po kayo nakausap kaya di ko alam na ilang beses na pala kayong tumawag dito,and wala po akong mapapala kung mag sisinungaling ako sa inyo.kung gusto nyo po ay mag iwan nalang kayo ng message para kay sir henry.”mahinahong paliwanag ni natalie sa babaeng kausap sa kabilang linya.”aba at sumasagot ka pa dyan, makikita mo tandaan mo itong araw na ito miss.”sabay bagsak ng telepono.”Oucchhh…!”napasigaw sa sakit si natalie dahil sa pag kabagsak ng phone sa kabilang linya pakiramdam nya nabasag ang eardrum nya. “uh anung ngyari sa iyo natalie at napasigaw ka”tanong ni Leticia habang napapangiti kay natalie.”naku may tumawag kasi hinahanap si sir henry ayaw na maniwala na wala dito si sir henry at iyon nag taray.”dina naituoy ni natalie ang pagkwento dahil tinuloy na ni Leticia” at binag sakan ka ng telepono, I guess si mylene iyon, naku humanda ka bukas andito iyon at mag susumbong sa amo mo.heheheh”natatawang sabi ni Leticia.”anu di ka pa ba uuwi sabay na tayo.”aya nito kay natalie.”ah ok wait ligpitin ko lang itong gamit ko. Gabi na rin pala may pasok pa ako bukas.”sabi ni natalie habang niligpit ang mga gamit at nag gayak na pauwi. Nakagaanan kaagad ni natalie ng loob si Leticia, dahil mabait ito sa kanya at isa pa ay pareho nya itong dalaga pa. nagkasundo sila sa mga ibang bagay gaya ng may pagkakatulad sila sa hobby tulad ng hilig sa pag babasa at pagsusulat.

0 comments:

Post a Comment

 

My Guest List

Powered by Blogger.

Labels

My Stories Copyright © 2010 Templatemo | Converted into Blogger Template by BtemplateBox.com