Samantala sa kanilang paaralan ay tahimik na nakaupo sina natalie at Josephine habang nag aantay ng kanilang reherseal para sa graduation, “haayyy salamat at makakagraduate na rin ako sa wakas at mawawala na sa paningin ko ang mga bagay na di kanais nais dito.”sabi ni colline sa mga kaibigan habang dumaan sa kinaroroonan nila natalie. “eh di pikit mo ang mata mo para di mo Makita”sabay halakhak naman ni Josephine. pinagbawalan naman siya ni natalie dahil sa pagsagot nito sa sinabi ni colline. Ayaw kasi ni natalie ng gulo hanggat maari, kung pwede nga lang niya maging kaibigan ang lahat ng tao ay gagawin niya. Makalipas ng ilang minuto ay nag simula na rin sa wakas ang kanilang reherseal, pinaliwanag ng kanilang guro kung saan ang tamang daan at kung paano ang gagawin nilang pagtanggap sa kanilang diploma. Sinanay din nila ang kanilang graduation theme song na ihahanda para sa araw ng kanilang pagtatapos. Masayang masaya naman si natalie dahil matatapos na rin niya ang sekondarya. Proud siya dahil 4 na taon niyang nakayanan itaguyod ang sarili sa pag aaral. Sinabi ng kanilang guro na magkakaroon din sila ng graduation ball pagkatapos ng kanilang graduation at ito ay open para sa lahat.
“natalie ready naba ang susuotin mo?”sabi ni Josephine kay natalie. “hindi pa jo, baka bukas nalang ako mamili ng damit na gagamitin ko, ikaw?”tanong ni natalie sa kaibigan. “ah ako dadalhin ni mommy bukas, bali dito na sila hanggang graduation natin…ang saya ko friend.”sabi naman ni Josephine habang kitang kita ni natalie ang masayang mukha ng kaibigan. Pareho lang sila ng pakiramdam dahil napaka espesyal para sa kanila ng araw na iyon. Maya maya ay may tumawag kay natalie, “hello! Whos this?”tanong ni natalie sa kabilang linya. “Natalie si henry ito, pwede kaba mamaya.?” Sabi ni henry kay natalie. “hah! Sir andito po ako sa school ngayon eh, may papagawa po ba kayo?”saad ni natalie sa kausap.sinabi ni henry ang dahilan kay natalie at sinabi nalang ni natalie na pagkatapos ng kanilang reherseal ay pupunta nalang ito ng opisina. Pagkatapos ng kanilang pagsasanay ay nag paalam na agad si natalie sa kaibigang si jo na may gagawin sa opisina, sabay na rin silang lumabas ng paaralan ng biglang may tumawag sa kanila. Pag lingon ng dalawa ay nakita nito si henry na nag aantay sa kanila. Sinabi ni henry na ihahatid nalang muna nila si Josephine at pagkatapos ay saka na ito didiretso sa opisina.
“sir ito na po iyong pinapahanap nyo.”sabay abot ni natalie ng folder kay henry, kaya naman pala siya nito pinuntahan ay para ipahanap lang sa kanya ang nawawalang folder nito. “salamat natalie, nakita mo agad. Kanina ko pa ito hinahanap eh.”sabi ni henry kay natalie.pero ang totoo ay hindi naman importante sa kanya ang folder na pinahanap kay natalie ang totoo ay gusto lang niya Makita at makasama ang dalaga sa opisina. Sa pagkakataong iyo ay sinamantala na rin ni natalie ang pagkakataon para mag paalam kay henry na di ito makakapasok sa Friday dahil araw ito ng kanilang graduation, pumayag naman agad ang binata sa sinabi ng dalaga dahil alam nito na napahalagang araw iyon para sa mga studyante.
“pare kamustah na nga pala si natalie?”tanong naman ni roel habang kumakain ng cupcake. “ok naman siya pare, nag paalam siya na graduation nila sa Friday. Dadalo kaba?”tanong ni henry sa kaibigan. “oo naman pare hehehehe syempre gusto ko rin makitang magtapos ang baby ko”ang tinutukoy nito ay si Jo na kanyang girlfriend.natawa nalang si henry sa sagot ng kaibigan. “oh siya aakyat muna ako.”paalam nito kay roel. pagkaakyat ng binata ay bigla nalang may nag doorbell sa knilang gate,pinagbuksan naman ito ng kanilang katulong.at dumiretso sa living room “hi, you must be roel right?”tanong naman ng dalaga, pagtingin ni roel sa dalaga ay na disappoint na agad ito sa suot nito na para bang nang aakit ng lalaki. Hmmm.. walang wala sa Josephine niya. “yes ako nga, sino sila?”tanong naman nito at sabay baba ng kanyang kinakain. “im looking for henry, andyan ba siya?”tanong nito at naupo sa bakanteng upuan. “ahhmm..actually kadarating ko lang eh, tawagan mo nalang sa phone niya kung asan siya.”sabi nito sa dalaga. “ah ganon ba, akala ko kasi magkasama kayo, well ok salamat sa opinion.”sabay kuha nito sa kanyang telepono at denial ang no. ni henry. “excuse lang miss ha! Aakyat na ako.antayin mo nalang siya.”paalam ni roel sa dalaga at sabay akyat nito sa hagdan patungong kwarto. “hmmm. tama bang iwan ako dito, antipatiko.”bulong ng dalaga sa sarili. “sweetheart asan ka ngayon andito ako sa bahay nyo.”sabi ng dalaga sa kausap.sinabi naman ni henry na wala siya sa kanilang bahay at nag out of town, pagkasabing iyon ng binata ay bigla nalang itong binagsakan ng telepono ng dalaga, alam na ni henry na galit na ang kausap niya sa kabilang linya. “pare bakit hindi mo binaba iyong bisita mo.?”tanong naman ni roel sa kaibigan sabay kuha nito sa kanyang telepono. “si mylene iyon, naku mangungulit lang iyon wala na kami pero habol pa rin ng habol”naaasar na sabi ni henry. “ah siya ba si mylene hehehe sayang pare sexy hah”kunwari pa ri roel sa sinabi nito habang natatawa.
“mr. baronman ang ganda nito.”sabi ni natalie habang sinusukat ang damit na binigay ng matanda. “alam kong magugustuhan mo iyan si mommy mo ang pumili nyan, pinabibgay nya yan para sa graduation mo.”sabi ng matanda, sabay abot nito ng kanyang bag at may kinuha itong bagay sa loob nito. “ito natalie para din sa iyo.”abot ni mr baronman ng box na maliit kay natalie. “naku sobra sobra na poh ito mr. baronman,maraming salamat po.”buong pasasalamat ni natalie sa matanda.
“natalie, halika buti at dumating kana.” Salubong ni Josephine sa kaibigan papasok ng pinto.sinabi nito na dumating ang kanyang mga magulang at gusto siyang Makita. Dali dali naman pumasok ang dalaga at nagpunta sa kinaroroonan ng bisita at ibinaba sandali ang mga gamit upang magbigay galang sa mga ito. Natuwa naman sa kanya ang mga magulang ni Josephine dahil sa ugali nito.nag ayang lumabas ang mga ito kaya dali daling umakyat ang dalawa sa kanilang kwarto upang magbihis pang alis. Dinala ni Josephine ang magulang sa isang restaurant na gustong gustong puntahan ng magkaibigan dahil alam nito na hindi sila mapapahiya sa pagkain dito. Nag hanap na ng mauupuan ng dalawa para sa kanilang 5, sa magulang ni Josephine at sa kapatid nito.masayang nag hahapunan ang mga ito samantalang napahinto naman si natalie sa pagkain dahil sa pagtanong sa kanyang magulang. Kung saan ang mga ito at bakit di niya kasama. Sinagot naman ng tapat ni natalie ang magulang ng kaibigan, sinabi nito ang kinaroroonan ng mga magulang at ang dahilan kung bakit hindi niya ito kasama.natuwa naman sa kanya ang magulang ni Josephine dahil napakabata pa ni natalie para mag solo. Ikinompara pa nila si Josephine kay natalie, sana daw ay katulad ni natalie ang anak nito, sinabi din nito ang mga bad habits ni Josephine at panay pigil naman ng dalaga sa ina upang hindi na ito mag kwento pa, dahil puro negative ang pinag sasabi ng ina, kaya tawa nalang nga tawa ang mga ito. Bigla naman lumaki ang ulo ng dalaga ng sinabihan siyang “buti maganda ang anak ko”. Wow sabi ni Josephine buti nalang kahit huli ay may maganda ring nasabi tungkol sa kanya.


0 comments:
Post a Comment