LOVE Tambayan

Natalie 9

Samantala hindi muna pinabalik ni charlotte ang anak sa dati nitong tirahan. Magtatapos muna ng kolehiyo ang dalaga bago I takeover sa kanilang negosyo.pumayag naman si natalie sa nais ng ina na sa ibang bansa mag aral. Inisip niya Na ito siguro ang paraan para makalimutan niya si henry. di naman nawalan ng kontak ang magkaibigang natalie at Josephine, masayang binalita ni Josephine ang bakasyon nito sa ibang bansa. Bilang regalo sa kanya ng kanyang mga magulang ay kinuhanan siya nito ng package tour sa macao, sinabi din ni Josephine na sumunod sa kanya si roel papuntang macao at masaya naman si natalie para sa kaibigan.
Makalipas ang ilang taon sa kolehiyo ay magtatapos na rin ang dalaga sa kursong kinuha. At siya na ngaun ang papalit sa pamamahala sa kanilang negosyo,ngayon ay handa na ang dalaga hawakan ang kanilang negosyo at handa na rin syang harapin ang kanyang nararamdaman. Sa kanyang pagbabalik ay marami syang tanong sa kanyang sarili kung ano ba talaga siya kay henry. Kahit anong tanggi ng dalaga sa sarili na wala siyang nararamdaman para sa binata ay nagkakasala lamang siya sa pagsasabi ng di totoo. Hanggang kelan niya kayang itago ang damdaming iyon, may pag asa pa ba sa kanilang dalawa?
“hi, mr. baronman its good to see you again.” Sabi ng dalaga sa matanda.nabigla naman ang matanda sa pagsulpot ng isang magandang dalaga sa kanyang opisina, hindi niya inaasahan na magiging bisita niya ito sa araw na iyon. “ikaw pala, halika maupo ka rito, kamusta kana?akala ko ay hindi na kita makikita pa eh.”sabi ng matanda sa dalaga sabay alok nito ng bakanteng upuan sa dalaga. Samantala tahimik lamang na nagmamasid ang dalaga sa buong opisina, matagal na rin siyang nawala sa lugar na iyon at alam niyang marami na rin ang nagbago. Samantala kita naman sa mukha ni mr.baronman ang kasiyahan dahil muling nakita ang magandang dalaga. Hindi siya makapaniwala na kausap niya ito ngayon sa kanyang harapan, naiisip ng matanda na lalong gumanda ang dalaga sa ayos nito ngayon at lalong naging smart ang dating nito, di lang ngbago ang dalaga sa kanyang ugali, napakalambing at napakabait na bata pa rin. Makalipas ng ilang minutong pagkwentuhan ay nagpaalam muli ang dalaga na pupunta muna sandali sa opisina ng kanyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakita. Bago magpunta ang dalaga ay dumaan muna ito sa restroom upang tingnan muna ang sarili kung magiging ok ba sya sa paningin nito.hmmmm bakit ba bigla siya naging concious sa kanyang sarili. Habang nagsasalamin ang dalaga ay may narinig siyang umiiyak sa isang tabi. “hi,” maikling sabi ng dalaga sa babaeng nakaupo sa isang tabi habang hawak hawak nito ang isang kapirasong papel.tumigil naman sa paghikbi ang babae at pinunasan nito ang kanyang luha sa pamamagitan ng kanyang kamay,inilapag nito ang kusot na papel sa tabi nito.samantala iniabot naman ng magandang dalaga ang panyong hawak nito at binigay sa babae.nagpasalamat naman ang babae sa magandang dalaga. Magsasalita pa sana ito ng biglang may pumasok at inaya lumabas ang babaeng kanina ay umiiyak. “hoy, cathy, kanina ka pa hinahanap ng boss mo, mag ayos na daw at darating ngayon ang anak ng may ari ng hotel na ito.” Sabi ng babaeng naka uniporme na pang receptionist na sa palagay nito ay kaibigan ng babae. Nagmamadaling nagpaalam ang babae sa magandang dalaga at umalis na ito,nagpasalamat din ito sa panyong pinahiram nito sa kanya. Maikling tango lang ang sagot nito sa dalawang magkaibigan na lumabas na ng restroom. Maya maya lamang ay lumabas na rin ang dalaga upang magtuloy na sa opisina ng dating kaibigan at the same time dating boss nito. Balak nito sorpresahin ang kanyang kaibigan. Dahan dahan binuksan nito ang pinto, At biglang bumungad sa kanya ang isang lalaki at babae  na mag kayakap. Sa halip na sya ang manunurpresa siya pa ang nasorpresa sa nakita ng kanyang mga mata. Humingi nang paumanhin ang dalaga sa dalawa. Pagkaharap ng babae ay nakilala agad ito ng dalaga ito ay ang kanyang kaibigan na si colline at ang kayakap ay si henry. Dahan dahan naman humiwalay si colline sa pagkakayakap ni henry at pinunasan nito ang namuong luha sa kanyang mata. Humingi rin ng pasensya si colline sa dalaga dahil sa nakita nito,ngunit sinabi ng dalaga na wala silang dapat ihingi ng pasensya.pagkasabing iyon ay nagmadali ng lumabas ng opisina ang magandang dalaga at dahan dahan nitong sinara ang pinto. Samantala naiwan namang nakatulala si henry, hindi niya akalain na maabutan siyang ganun ng babaing pinakamamahal niya. Muli ay nagpasalamat si colline kay henry at nagpaalam na itong lumabas ng opisina.
“ladies and gentlemen salamat sa pagdalo sa munting kasiyahang ito gusto ko ipakilala sa inyo ang anak ng may ari ng hotel na ito, walang iba kundi ang napakagandang si natalie.”pakilala ni mr. baronman sa lahat ng tao na dumalo ng kasiyahang iyon.sabay turo nito kay natalie na nasa tabi ni colline. Umakyat naman ang dalaga pag kabanggit ng kanyang pangalan at nagbigay galang sa mga tao roon nagpasalamat din ito sa mainit na pag tanggap sa kanya. Inannounce rin ni natalie na simula ngayon ay siya na ang mamamahala sa hotel ng kanyang mga magulang,doon ay magagamit na niya ang kanyang pinag aralan. Pagkatpos mag speech sa harapan ay  nagpasalamat muli ang dalaga at sinabing mag enjoy lang sa gabing iyon.bumaba na ang dalaga mula sa stage at nagpalakpakan ang mga tao. Nagkaron naman ng bulong bulungan kung pano hahawakan ni natalie ang nasabing hotel, anu ano kaya ang gagawin nitong pag babago. “cathy di ba siya iyong kausap mo kanina sa restroom?” sabi naman ng kaibigan nito at sabay turo kay natalie na nakatayo lamang sa isang tabi habang nagmamasid masid na para bang may hinahanap ang kanyang mga mata na wala sa mga panauhin sa gabing iyon. “oo nga siya nga iyon, neri hindi ko akalain na kausap ko na pala kanina pa ang bagong magiging amo natin hehe, at inalo pa niya ako kanina habang umiiyak ako, grabe nakakahiya neri.”parang gusto nitong lumubog sa kinakatayuan sa sobrang hiya kay natalie. Ngumiti naman si natalie dahil napatingin siya sa kinaroroonan nila cathy na nakita niyang nakatingin sa kanya. “mr. baronman ikaw pala, salamat po sa pagtanggap sakin dito.” Sabi ng dalaga habang nakangiti sa matanda. “naku natalie alam mo ba na sobrang galak ko dahil ngayon ay andito ka na muli at ikaw na ang hahawak ng negosyong ito, sa ngayon pwede na ako mag retiro hehhe..” natatawag sabi ni mr. baronman kay natalie. “maraming salamat po sa inyo mr. baronman nung simula palang ay kayo na ang tumayo bilang pangalawa kong magulang,ginabayan nyo ako ng ako’y mag isa sa lugar na ito. Napaka swerte namin at nagtrabaho kayo sa aming pamilya.” Sabi ni natalie sabay hawak nito sa mga palad ni mr. baronman. Namula naman ang matanda sa ginawa ng dalaga at biglang nahiya at tumingin sa kanyang paligid. Naalala kasi bigla nito na pinagkamalan silang may relasyon ni natalie nung bata pa ito. Hindi akalain ng iba na anak ito ng may ari ng hotel. Dahil na rin sa naisin ni natalie na huwag sabihin sa iba kaya itinago nalang nila ito bilang sekreto sa karamihan maging sa anak nitong si colline ay walang alam sa bagay na iyon.  “naku ikaw talagang bata ka hehehe, masaya ako dahil nakilala ko ang mga magulang mo at isa pa napaka swerte nila dahil nagkaron sila ng anak na tulad mo. Napakabait at napakaganda.”sabi ng matanda kay natalie.
“Good morning ma’am.” Bati agad kay natalie pagpasok palang nito ng pinto, kita sa mga taga roon ang kasiyahan sa pagdating ni natalie,ang iba ay halos hindi alam ang gagawin dahil naiilang pa sa dalaga. Binabati rin nmn ni natalie ang bawat empleyadong kanyang nakakasalubong sa lobby habang naglalakad papunta sa elevator. Pagkarating sa elevator ay may hindi siyang inaasahang makasabay walang iba kundi si henry. Napahinto ang dalaga sa kinatatayuan at nakatingin lamang sa binata. Naramdaman naman ng binata na may mga matang nakatingin sa kanya kaya nilingon nya ito at nakita nya nga si natalie na nakatayo sa kanyang likuran. Sa pag kagulat ay hindi na nakapag salita pa ang 2, maya maya lamang ay bigla ng nagbukas ang pinto ng elevator at hindi pa rin tumitinag ang dalaga sa pagkakatayo kaya nauna nang pumasok si henry, hindi alam ni natalie kung anu ang gagawin, bakit para nalang siyang nawala sa sarili.kaya nasabi na lang niya sa kanyang sarili na bakit nga ba siya papaapekto. Lumakad na si natalie patungo sa loob ng elevator at sinara na ito upang magtungo sa second floor.walang ka imik imik ang dalawa sa kinatatayuan nito at para bang hindi sila magkakilala, bakit ba hindi magawang magsalita ni natalie, gusto man nyang magsalita at kausapin ang lalaki ay para bang may nakabara sa kanyang lalamunan.napapikit nalang ang dalaga dahil langhap nito ang amoy ng binata.  Namiss nya ang amoy na iyon, napakabango ni henry para sa kanya, inisip nya na sana kayakap nya sana ang binata, sa pag kakataong iyon ay may naalala si natalie kya bigla nitong inalo ang kanyang sarili para siyang naloloka.kaya umayos sya sa pagkakatayo at taas noo siya,ni hindi na niyang ginawang tingnan pa ang lalaki, naisip nya mag focus nalang siya sa kanyang trabaho.  Samantala tahimik lamang si henry sa kanyang tabi at simpleng sumusulyap sa kagandahan ng dalaga. Bakit hindi siya kinakausap nito. Magsasalita na sana si henry ng biglang nagbukas ang pinto at dali daling lumabas si natalie upang magtungo sa kanyang opisina. Pagkarating niya sa kanyang opisina ay halos nabunutan ng tinik si natalie at nakahinga ng maluwag dahil wala na sa kanyang paningin ang binata. Anu bang ng yayari sa kanya akala niya ay handa na siya. Tama handa naman talaga siyang tanggapin ang binata ngunit nagbago ang kanyang desisyon sa kanyang nakita. May bago ng mahal si henry walang iba kundi ang kaibigan niyang si colline, ayaw niyang sisihin si colline dahil karapatan din nitong sumaya sa feeling ni henry. Kasalanan din naman niya ang lahat, laging tumatawag si henry sa kanya nung siya ay nasa ibang bansa at laging nagpapadala ng mga flowers at sweet messages para sa kanya ngunit hindi niya ginawang mag responds ni isa man sa mga ito, nagsawa nasiguro ang binata sa pag aantay sa kanya kay niligawan nalang nito si colline, nasa malalim na pag iisip ang dalaga ng bigla nalang mag ring ang kanyang telepono. “yes hello.”sagot agad ni natalie. “ma’am may gusto pong  kumausap sa inyo.”sabi ng sa kabilang linya. “sino siya?”maikling tugon nito. “si sir henry po kung maari lang daw po sana, paptuluyin ko po ba”sa pagkarinig ng pangalang henry at natigilan nanaman ang dalaga bakit gusto siya nitong makausap, mamaya pa naman ang meeting nila gulong gulo nanaman ang dalaga. “hello ma’am “ sabi ulit ng nasa kabilang linya. ‘yah im still here sige papasukin mo, salamat sayo.”at binaba agad ni natalie ang phone at inayos ang kanyang sarili. Maya maya lamang ay may kumatok na sa kanyang pintuan. “please come in” maikling sagot nito. At pumasok na ang ang nasabing panauhin ni natalie sa umagang iyon. Dahan dahan namang naglakad si henry sa kinaroroonan ni natalie na kita niya na maraming nerereviewng mga papers. “have a seat” alok ni natalie sa binata ngunit hindi tumitinag ang binata sa pagkakatayo nito. Nakatitig lamang ito sa magandang dalaga,parang naasiwa naman si natalie sa pagkakatitig ni henry at pakiramadam nito ay nag iinit ang knyang pisngi. Sa pagkakataong iyon ay binitawan ni natalie ang hawak na mga papeles at hinarap nito ang binata. Kitang kita ni natalie ang kalungkutan sa mga mata ni henry,na para bang may gustong sabihin sa kanya ang binata ngunit di nito magawang magsalita sa halip ay nakatingin lang ito sa kanya. Makalipas ng ilang sigundong katahimikan ay binasak ito ni natalie at sya na ang nag open ng topic upang may mapag usapan sila. Binanggit ng dalaga ang bawat detalye ukol sa kanilang opisina at hiningi nito ang opinyon ng binata ngunit hindi pa rin ito nagsasalita at hindi pa rin tumitinag sa pagkakatayo nito. “ano ba mr. henry, ganyan ka na lamang ba, nakatayo dyan at nakatingin lang sa akin na wala ka namang sasabihin, hinihingi ko ang opinyon mo, magsalita ka naman please.!”mahabang sabi ni natalie na naiinis na sa binata. Naramdaman nang binata na naiinis na si natalie kaya nagsalita na rin ito sa wakas, ang balak lang naman nito ay kamustahin ang dalaga dahil hindi nito nakausap simula ng ito ay dumating.

0 comments:

Post a Comment

 

My Guest List

Powered by Blogger.

Labels

My Stories Copyright © 2010 Templatemo | Converted into Blogger Template by BtemplateBox.com