LOVE Tambayan

Natalie 2

“Mr. Baronman kamusta ang anak ko?” Tanong nang isang babae kay Mr. Baronman, kitang kita sa kanyang mga mata ang kalungkutan at pangungulila sa anak na dalaga. “ Hmmm…lately hindi pa kami nag kikita madam but I am pretty sure na masaya sya ngayon sa kinaroroonan at kung sino sya ngayon, napakatalinong bata ng anak mo madam at napaka responsibleng bata.” Mahabang paliwang ni Mr.Baronman sa Ginang. “Maraming salamat sa tulong mo Mr. Baronman hindi nagkamali ang asawa ko sa pagpili sa iyo upang mangalaga sa anak ko.”  Buong galang na saad ng babae kay Mr. Baronman. “oh! Paano Mr. Baronman aalis na ako, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka or kung may problema especially sa anak ko at magpapadala agad ako ng taong tutulong sa inyo”  saad ng babae habang papasakay na sa kanyang limo.. “ masusunod po madam” sagot ni Mr.Baronman.
“Natalie gising na mali late nanaman tayo sa skul.” Sabi ni jho habang yinuyugyog ang kaibigan upang magising. “ hmmmm… masakit ang ulo ko jho!” mahinang sagot ni Natalie sa kaibigan. “hah! bakit anong oras kaba natulog kagabi,hmmp sinabi ko naman sa iyo na huwag kang mag pupuyat eh,” pag aalalang bigkas ni jho habang hinawakan sa noo si Natalie. “ Sige magpahinga ka na lang at ako na ang bahala, gagawa nalang ako ng excuse letter at papaliwanag ko nalang sa mga instructor natin” saad ni jhosephine sa kaibigan “ no, wait iinom nalang ako ng gamot ayaw ko mamiss ang isang test natin, give me 10 minutes to take a bath.” Sabay bangon ni Natalie at nagmamadaling nagtungo sa bathroom. Makalipas ang 20 minutos ang nag gayak na ang dalawa papasok sa skul.
“Hello! Miss you look familiar? Have we met before?” sabi ng matandang babae kay Natalie. Di naman nakakibo ang dalaga dahil sa pagkagulat. “mom bakit tayo huminto,mahuhuli na ako sa klase ko” saad ng dalaga na katabi ng matandang babae. “so, ang dalawang bruha!” Sabay baling nito kina Natalie at Josephine. “mom familiar nga sila sa inyo kasi kaklase ko yang dalawang yan.” Saad ni colline sabay turo sa magkaibigan. “oh! Im sorry miss, kaklase pala kayo ng anak ko nice to meet you, ingat kayong dalawa.”paalam ng ina ni colline sa dalawa. “Natalie, huuyy! Anong nangyari sa iyo wala na sila nakaalis na, helow! kamusta naman yun miss Natalie at parang tuod ka dyan, nakakita kaba ng multo, hehehe sabagay si colline mukhang multo hahaha!” sabay tapik nito kay Natalie habang humahagikgik sa tawa. Hindi namam nakakibo and dalagang si Natalie dahil sa pagkagulat, pagkagulat nga ba o sa takot na baka nagkita na nga sila ng matandang babae, saan? At kalian?
“Natalie alam mo kanina ko pa napapansin napakatahimik mo, okay ka lang ba talaga hah!” tanong ni Josephine sa dalaga. “ yah! Okay lang ako jho.” Tugon nito. “ hmmm mukhang may sasabihin ka sa akin,meron nga ba?” tanong ulit ni Josephine sabay baling sa kaibigan. “Mayroon nga eh, jho mag tatrabaho ako”maikling tugon nito. “hah! Bakit ubos na ba ang savings mo,?” laking gulat ng dalaga sa sinabi ng kaibigan. “ jho antayin ko pa ba  na maubos ang savings ko bago ako magtrabaho”saad nito.” Well may point ka nga friend.” Sabi ni jho. “hehehehe talagang paalam to da max ka dyan friend ha, parang ako ang nanay mo ah!”pang aasar nito sa dalaga,” sira! Syempre kaibigan kita at kasama kita sa dorm kaya dapat sabihin ko rin sa iyo nuh” sabay tawa ni Natalie.
“miss colline,ready na ba ang report mo ngayon?”Tanong ni Mr. Howard sa dalaga. “ahmm.. sir ano po kasi eh, ahhh…masama po kasi ang pakiramdam ko kagabi kaya po hindi ako nakapag handa, sa totoo lang mr. howard may sakit nga po ngayon eh! pinilit ko lang po pumasok kasi po ayaw ko mamiss ang subject nyo.sorry mr. howard.” Hingi nang paumanhin ng dalaga sa kanyang guro kalakip ng kasinungalingan. “mr. howard……”tawag ni colline sa ginoo sabay turo kina Natalie at Josephine na kapapasok pa lamang sa kanilang class room. ”hmm… ok miss. Natalie and miss Josephine bakit kayo late?”tanong ng ginoo sa dalawang magkaibigan na parehong napahinto sa kinatatayuan. “sorry sir, natagalan po kasi kami sa bus hindi na po mauulit.” Paliwanag ni Natalie. “ okay, so, kayong dalawa ngayon ang papalit kay colline para magreport, get ready after5 minutes and present your report to us.”sabi ni mr. howard at sabay upo sa kanyang upuan.  Samantala si Josephine naman ay hindi mapakali dahil hindi sya nag basa about sa topic ngayon sa halip sya ay natulog kagabi. “ Nat, paano yan wala akong alam sa topic natin ngayon,” pabulong na sabi ni josephine sa kaibigan at kinakabahan. “lintik kasi na Colline ito eh”asar na sambit ng dalaga sa sarili. “okay jho don’t worry ako nalang ang mag rereport sagot na kita.”sabi ni Natalie habang isa isang nilalabas ang note na sinulat kagabi. “ ano ready naba kayo sa reporting tagal naman, sige kayo baka mainip si mr. howard at pagalitan kayong dalawa, ano Natalie alam mo ba, sorry ha dapat kasi ako ang magrereport nyan kaya lang ala na kasi akong time kagabi” sabay ngisi ni colline habang papalayo sa magkaibigan.”tingnan natin ngayon Natalie”bulong nito. Makalipas ng 5 minuto at pumunta na sa harapan si Natalie upang ayusin ang mga gamit para sa kanyang pagrereport, kumuha sya ng kapiraso ng chalk at nag drawing ng isang chart. Isa isa nya ngayon pinaliwanag ang bawat personal na nakasulat sa box na iyon at sinabi kung saan lugar matatagpuan ang mga nabangit. Sa pagkabigla ng mga mag aaral ay tahimik silang nakinig kay Natalie habang nagpapaliwanag sa harapan maging si mr. howard ay hanga sa kagalingan ng dalaga sa pagsasalita at pagpapaliwanag. Si colline naman ay sobrang inis dahil bakit alam ni Natalie ang mga detalyeng iyon na sa hinagap ay wala syang nakitang reference para sa report na iyon. Makalipas ang 30 minutos na pagpapaliwanag ng dalaga ng paalam na ito kay mr. Howard na sya ay mauupo. Sa pagkakataong iyon ay napahanga nito ang matanda, maging ang pang uuto ni colline sa matanda ay kinalimutan nito sa halip ay bbigyan nya ito ng leksyon.”miss colline go to my office now”buong sabi ni mr. howard sa dalaga kalakip ng pag uutos nito na magpunta sa opisina.
“great Natalie,how did you know all those details about the Royal families and there location?”tanong ni jho sa kaibigan habang nag lalakad ang dalawa palabas nang campus.walang binanggit si Natalie sa halip ay tinawanan lang nito ang tanong ng kaibigan.

0 comments:

Post a Comment

 

My Guest List

Powered by Blogger.

Labels

My Stories Copyright © 2010 Templatemo | Converted into Blogger Template by BtemplateBox.com