LOVE Tambayan

Natalie 1

“Okay class dismiss” Sabi ng guro. Ang mga studyante ay kanya-kanya ng ayos ng kanilang mga gamit para umuwi. “Nat sabay na tayo umuwi” saad ni Josephine habang papalapit kay Natalie na busy pa rin sa pag aayos ng kanyang mga gamit. “I wish I could jho but I have something to do first, may kakausapin pa kasi akong tao eh” hingi ng paumanhin ng dalaga sa kaibigan habang papalabas na ng kanilang room. Naunang umuwi si Josephine habang si Natalie ay naiwan upang mag abang ng bus patungong bayan.
“Good Morning Miss,ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Tanong ng babaeng naka-uniform ng pang receptionist.” Ah! Just Call me Natalie,gusto ko po sana makausap si Mr.Baronman” pakiusap ng dalaga. “Miss Natalie si Mr. Baronman ay kakaalis lang po may appointment po kasi sya sa may ari ng Building na ito,” Saad ng babaeng receptionist, “Kung gusto mo mag iwan ka nalang ng note para kay Mr.Baronman sa kanyang sekretarya sa second floor.” Dugtong nito “okay babalik nalang siguro ako, maraming salamat ha!” buong galang na saad ni Natalie,paalis na sana siya nang “Well! Well! Well! Nakikita nyo ba girls kung sino ang nasa harapan natin?” Tanong colline sa mga kaibigan. “Anong ginagawa mo ditto? Buti at pinapasok ka rito, alam ko kasi mga mayayaman lang ang pwedeng pumasok dito eh!” Mahabang sabi ni lorry na kaibigan ni colline. Patuloy ang pangungutya ng mga kaibigan ni colline sa dalaga habang si Natalie ay pigil na pigil sa kanyang emosyon,mabuti nalang at di sya pumapatol samga ganung klase ng pang aasar. “Halika na mga girls wala tayong mapapala dito sayang lang ang oras natin..hmmmp…” aya ni colline sa mgakaibigan sabay ismid kay Natalie. “Miss Natalie pasensya kana sa mga ugali nang mga batang iyon hah!hayyy naku porke’t mapepera ang mga magulang kung umasta kala mo kung sino, laki kasi sa layaw…” mahabang paliwananag ng receptionist sa dalaga. “naku wag po kayo humingi ng paumanhin, hindi naman po lahat ng mayayaman ganun ang ugali, may mas mapera pa sa kanila pero di tulad ng ugali nila, sige po aalis na po ako maraming salamat po ulit ha..”paalam ni Natalie sabay labas na sa nasabing hotel.
“Bakit ngayon kalang Nat?” buong pag aalalang sabi ni Josephine sa dalaga, “ pasensya kana jho naglakad lakad pa kasi ako eh, sorry pinag alala pa kita” sabi ni Natalie habang nag papalit ng damit pambahay. “ sya nga pala friend nagawa mo naba yung assignment natin sa Geography,,,haaayyy kainis bakit naman kasi sa dami ng subject si mr. howard pa ang nagbigay ng assignment,” mahabang saad nang dalaga habang sinasara ang aklat at nakatitig kay Natalie. “ hindi ko pa nagagawa jho, mamaya nalang pagkatapos ko magreview sa chemistry.” Paliwanag naman ng kaibigan habang nilalabas ang mga gamit sa paaralan mula sa bag. “ikaw nakapag review kana ba sa chemistry?” tanong ni Natalie sa kaibigan “ oo naman nuh tapos napo ma’am, at saka asa naman ako na pakokopyahin mo ako bukas sa test…heheheheh papamisa ako pag pinakopya mo ako” pang aasar ni jho sa kaibigan “ sira ka talga hehehehe oh! Sya matulog kana baka mag ka wrinkles ka pa kasalanan ko nanaman” saad nang dalaga kay jho. “Gudnyt friend, wag ka masyado mag pupuyat” paalam ni jho para matulog. Pasado alas dose na nang matapos ang dalaga sa paggawa ng assignment sa geograpiya at pag rereview sa chemistry nang maisipan na nyang matulog.

0 comments:

Post a Comment

 

My Guest List

Powered by Blogger.

Labels

My Stories Copyright © 2010 Templatemo | Converted into Blogger Template by BtemplateBox.com